Tuesday, July 8, 2008
ang tapat at di-tapat na alipin
Ang parabulang ito ni Jesus ay matatagpuan sa Mateo 24:45-51. Isa ang parabulang ito sa mga napinggan ng mga Guro ng Kautusan na siyang nagtulak sa kanila upang ipapatay at mapako si Jesus sa krus. Sa kwento ni Jesus lumalabas na lahat ay alipin subalit may lider din ng mga alipin na siyang dapat magturo ng tama sa mga kapwa n'ya alipin. Ang nakita ni Jesus ay ang di tamang ginagawa at di tamang pagtuturo ng mga Guro ng Kauutusan. Hindi nakikita sa kanilang mga buhay ang kanilang itinuturo sa halip nais nilang ituring sila na 'mataas' sa kanilang lipunan, nais nilang igalang sila ng mga tao at bigyang pugay. Sila ang dapat na inaasahan ng Panginoon na mangalaga sa kawan subalit hindi sila nasumpungan na gumagawa sa kung ano ang ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, at ginagawa lamang nila kung ano ang kanilang maibigan. Ang 'outcome' sa pagawa nila ng kanilang ibig ay marami na pala silang nasasaktan na kapwa din nila alipin. Kaya ang mga Guro ng Kautusan ay galit na galit kay Jesus sapagkat sa kanilang pang-unawa ginagawa nila ang kanilang tungkulin but they were surprise dahil iba ang sinabi ni Jesus, sila'y inihalintulad sa di tapat na alipin na ginagawa lamang ang kanilang maibigan.
Subscribe to:
Posts (Atom)